sapagkat kahapon ng umaga nakakita tayo ng isang pares ng tandang at inahin habang nanginginain ng mga tirang butil ng palay sa pilapil
matapos tapunan tayo ng mga kapipiranggot na sulyap ng kanilang mga berdeng mata para bang sinasabi na gumising na kayo at tanghali na-at sabay balik sa kanilang pagtuka
itong umaga habang pilit nyang tinutukso ang pluma upang manganak ng mga tayutay ako naman ay hinihipan ang mainit na kape upang
gisingin ang diwa na pilit iwinawaksi ang mga alaala ng lumipas na magdamag
at dahil sa init ng kape, kumawala agad ang ulirat:
ang pluma ay naglakbay sa malawak at malasutlang papel
nanganak ng mga salita
mga alaala ng bawat dantay ng kamay sa kapwa kamay
ng labi sa kapwa labi
ng mga mata na pilit inaaninag ang kailaliman ng diwa ng minamahal
Thursday, November 24, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment